MALING PAGMAMAHAL
Sa tuwing ika'y pinagmamasdan
Putak ng putak sa aking harapan
nagagaan aking pakiramdam
Paghanga sayo'y hindi ko ipapaalam
Ako'y nabibighani 
Kapag ika'y ngumingiti
Problema'y iyong pinapawi
kaya sa puso ko'y pinanatili
Sa kanila'y hindi nakikinig
Sayo ako nakatitig
Nadarama ko'y kinikilig
Parang ika'y akin ng iniibig
Ngunit ika'y may katungkulan
isang guro sa aming paaralan
nadarama'y isang kahangalan
kaya ibibigay sayo'y kalayaan.
 
No comments:
Post a Comment